Mag-ina minasaker ng Akyat-bahay gang
February 28, 2002 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Malagim na trahedya ang sinapit ng mag-ina makaraang pasukin ang kanilang bahay ng mga hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng kilabot na "Akyat-bahay Gang" saka sila tinadtad ng saksak ng patalim hanggang sa mapatay sa Brgy. Sto. Niño, Meycauayan, Bulacan kahapon ng umaga.
Ang mag-inang minasaker ay nakilalang sina Lita Tan, 65, biyuda at anak na si Susan Tan, 35, dalaga at guro sa Saint Peter School sa Sta. Cruz, Manila.
Sa inisyal na ulat ng pulisya na isinumite kay P/Sr. Supt. Edgardo Acuña, Bulacan PNP provincial director, natagpuan ang bangkay ng mag-ina na nakatali pa ang mga kamay at tadtad ng saksak bandang alas-9:30 ng umaga sa loob ng kanilang bahay sa Perez St. Brgy. Sto. Niño ng naturang lugar.
May palagay ang mga imbestigador na natiyempuhang nag-iisa ang matandang Tan nang pasukin ang bahay ng mga hindi kilalang kalalakihan.
Ayon pa sa ulat, pinalalagay na inabutan ni Susan na nagmula pa sa pinapasukang eskuwelahan ang mga suspek na naghahalughog ng mga mananakaw kaya humingi ng tulong ngunit pinatahimik din ito.
Pinakilos na ni Acuña ang kapulisan sa Bulacan upang mangalap ng impormasyon upang makilala kaagad ang mga killer ng mag-ina. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest