NPA rebel todas sa labanan
February 25, 2002 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Kumpirmadong napatay ang isang miyembro ng New Peoples Army (NPA), samantalang hindi pa mabatid ang mga sugatan makaraang makasagupa ng tropa ng militar ang mga rebelde sa kagubatan ng Sapang-Bago, Angeles City, Pampanga kamakalawa ng hapon.
Hindi naman kaagad nakilala ang nasawing rebelde at ang mga sugatan sa naganap na engkuwentro dahil sa dinala ng kanilang mga kasamahang NPA.
Sinabi ni Lt. Col. Jose Mabanta, Phil. Army spokesman na naganap ang engkuwentro dakong alas dos ng hapon habang nagsasagawa ng foot patrol ang 69th Infantry Battalion ng Phil. Army sa naturang lugar.
Ayon pa sa ulat, naunang nagpaputok ang mga rebeldeng kasapi ng Palerno Ortañez Command kaya gumanti ang tropa ng militar. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest