Briton todas sa salpukan ng jetski
February 16, 2002 | 12:00am
Isang 65-anyos na Briton ang iniulat na nasawi makaraang aksidenteng sumalpok ang minamanehong jetski ng biktima sa kasalubong na jetski na sinasakyan naman ng kanyang anak na babae sa karagatan ng Boracay Island sa Malay, Aklan kamakalawa.
Binawian ng buhay sa Metropolitan Doctors Medical Clinic ang biktimang si Linn Man Bun Bunny na pansamantalang naka-check-in sa Mansor Beach Resort sa Sitio Angol, Brgy. Manoc-Manoc ng naturang lugar.
Sa ulat mula sa Camp Crame, naganap ang pangyayari bandang alas-12 ng tanghali matapos na magkasabay na sumakay at paandarin ang jetski ng biktima at anak na si Liu, 35, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkasalubong ang mag-ama.(Ulat ni Joy Cantos)
BACOOR, Cavite Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang 20-anyos na lalaki makaraang suntukin sa mukha ng isang barbero sa Brgy. Molino 3 ng bayang ito kahapon ng madaling-araw.
Ang biktima na napuruhan sa mukha ay nakilalang si Archie Dela Cruz, jobless ng City Homes ng nabanggit na barangay, samantala, ang suspek na kaagad namang nadakip ay nakilalang si Jeffrey Gelua, 20, may asawa ng Block 15 Lot 32 Lagerfield St., Molino Homes 3 ng naturang lugar.
Sa pagsisiyasat ni SPO1 Jose Basto, naganap ang pangyayari bandang ala-1 ng madaling-araw matapos na sigawan ng suspek ang biktima hanggang sa maghamunan ng suntukan na ikinasawi naman ni Dela Cruz. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
CABANATUAN CITY Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang 29-anyos na lalaki makarang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa likurang bahagi ng tricycle sa boundary ng Brgy. Lourdes at Bangad, Nueva Ecija-Aurora Road ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng Cabanatuan police ang biktima na si Gilbert Gutierrez, isang water collector, may asawa ng Brgy. Bangad, samantala, ang driver naman ng trike ay nakilalang si Waldo Salvador, 31 ng nabanggit ding barangay.
Ayon sa ulat ng pulisya, aksidenteng sumalpok ang minamanehong motorsiklo (CN-3986) ni Gutierrez sa trike (RN-2532) ni Salvador saka tumilapon ang biktima at tumama ang ulo sa sidecar na naging dahilan ng kanyang kamatayan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
Binawian ng buhay sa Metropolitan Doctors Medical Clinic ang biktimang si Linn Man Bun Bunny na pansamantalang naka-check-in sa Mansor Beach Resort sa Sitio Angol, Brgy. Manoc-Manoc ng naturang lugar.
Sa ulat mula sa Camp Crame, naganap ang pangyayari bandang alas-12 ng tanghali matapos na magkasabay na sumakay at paandarin ang jetski ng biktima at anak na si Liu, 35, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkasalubong ang mag-ama.(Ulat ni Joy Cantos)
Ang biktima na napuruhan sa mukha ay nakilalang si Archie Dela Cruz, jobless ng City Homes ng nabanggit na barangay, samantala, ang suspek na kaagad namang nadakip ay nakilalang si Jeffrey Gelua, 20, may asawa ng Block 15 Lot 32 Lagerfield St., Molino Homes 3 ng naturang lugar.
Sa pagsisiyasat ni SPO1 Jose Basto, naganap ang pangyayari bandang ala-1 ng madaling-araw matapos na sigawan ng suspek ang biktima hanggang sa maghamunan ng suntukan na ikinasawi naman ni Dela Cruz. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
Kinilala ng Cabanatuan police ang biktima na si Gilbert Gutierrez, isang water collector, may asawa ng Brgy. Bangad, samantala, ang driver naman ng trike ay nakilalang si Waldo Salvador, 31 ng nabanggit ding barangay.
Ayon sa ulat ng pulisya, aksidenteng sumalpok ang minamanehong motorsiklo (CN-3986) ni Gutierrez sa trike (RN-2532) ni Salvador saka tumilapon ang biktima at tumama ang ulo sa sidecar na naging dahilan ng kanyang kamatayan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 27, 2026 - 12:00am
June 24, 2026 - 12:00am
















