^

Probinsiya

AFP umiskor: 10 Sayyaf todas

-
Sampung bandido ang nalagas sa engkuwentro habang marami pa ang pinaniniwalaang nasugatan matapos makasagupa ng tropa ng militar ang tinatayang 90 armadong grupo ni Sulu bases Abu Sayyaf Group Commander Radulan Sahiron sa Patikul, Sulu kamakalawa.

Sa isang phone interview, sinabi ni Col. Romeo Tolentino, commander ng Army’s 104th Brigade na nakabase sa Busbus, Jolo, Sulu pinaniniwalaang tinangay na ng grupo ni Sahiron ang mga nasawi at nasugatan nitong tauhan matapos na abutin ng gabi ang mainitang bakbakan.

"Based on the assessment of our troops in the area, at least 10 Sayyaf were killed while undetermined were wounded," pahayag ni Tolentino sa isang phone interview.

Ayon kay Tolentino, pulos bakas na lamang ng dugo ang inabutan ng kanyang mga tauhan sa encounter site nang magsagawa ng clearing operations kahapon ng umaga.

Sinabi pa ni Tolentino na nag-umpisa ang sagupaan dakong ala-1:35 ng hapon na tumagal hanggang 6:30 ng gabi matapos magkrus ang landas ng mga elemento ng Army’s 61st Infantry Battalion (IB) sa Brgy. Kabuntakas, Patikul, Sulu.

Napag-alaman na kasalukuyang nagsasagawa ng combat operations ang tropa ng militar sa pamumuno ni Lt. Col. Estomo nang makasagupa ang grupo ni Commander Sahiron.

Ang engkuwentro ay kaugnay na rin ng pursuit operations bunsod nang naganap na pananambang ng Abu Sayyaf sa Army’s 59th Infantry Battalion (IB) noong nakalipas na Biyernes na ikinasawi ng limang sundalo at isa pa ang nasugatan. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP COMMANDER RADULAN SAHIRON

AYON

BIYERNES

COMMANDER SAHIRON

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

PATIKUL

ROMEO TOLENTINO

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with