2 biktima ng salvage natagpuan

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Dalawang bangkay ng naaagnas na lalaki at pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan ng mga awtoridad sa magkahiwalay na barangay kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lalawigan.

Sa Brgy. Titig, Silang, Cavite, ang unang bangkay ay natagpuan na may edad 30 hanggang 35-anyos, may taas na 5"3 at may tama ng bala ng baril sa ulo, samantala, ang ikalawang bangkay ay nadiskubre sa Sitio Kamandag, Brgy. Bucana, Ternate, Cavite, nasa edad 20-25-anyos at maraming saksak ng patalim sa katawan at nakasuot ng pantalong kulay asul.

May palatandaang pinahirapan muna ang mga biktima bago pinatay at pinalalagay na itinapon sa mga nabanggit na lugar mula sa ibang karatig pook upang iligaw ang mga imbestigador. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments