^

Probinsiya

News blackout sa 2 lady executives

-
News blackout ang ipinatupad ng Philippine National Police (PNP) sa kaso ng dalawang lady executives na kinidnap noong nakalipas na Lunes sa Malolos, Bulacan.

Mismong si Police Deputy Director General Hermogenes Ebdane, Deputy Chief for Administration at hepe ng National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) ang nagdesisyon kahapon na huwag na munang magsalita sa media upang maprotektahan ang buhay ng dalawang mag-utol na sina Bunny Barrera, 28 at nakakabata nitong kapatid na si Carla, 26.

Nabatid na ang mga biktima ay malapit na kamag-anak ni Atty. Felipe Gozon, Chairman at Chief Executive ng GMA Network at kapwa Junior Executive Managers ng South Supermarket sa Brgy. Bulihan sa Malolos, Bulacan.

Ayon naman sa ilang source, tatlong television stations ang kinausap ng pamunuan ng PNP at hiniling na huwag na lamang isahimpapawid ang pagkawala ng magkapatid.

Pinaniniwalaang ang magkapatid ay ipatutubos ng malaking halaga ng ransom ng kanilang mga abductors ngunit hanggang sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon kung nakatawag na ang mga suspek sa pamilya ng mga biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BULACAN

BUNNY BARRERA

CHIEF EXECUTIVE

DEPUTY CHIEF

FELIPE GOZON

JOY CANTOS

JUNIOR EXECUTIVE MANAGERS

MALOLOS

NATIONAL ANTI-KIDNAPPING TASK FORCE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with