Koreano, hotel owner kinidnap
February 7, 2002 | 12:00am
Makaraang palayain ang doktorang dinukot ay muli na namang nagsagawa ng pag-kidnap sa isang Koreano at hotel owner kasama na ang tumatayong security escort ng dalawa ang grupo ng Pentagon at kaalyado nitong Moro Islamic Liberation Front sa Sitio Takal, Brgy. Piñol, Malisbong, Palimbang, Saranggani kahapon ng umaga.
Sa isang phone interview kay Major General Roy Kyamko, hepe ng 6th Infantry Division ng Phil. Army na ang mga kinidnap ay nakilalang sina Carlos Belonio, may-ari ng Tierra Verde Hotel sa General Santos City; kaibigan nitong Koreano na si Jae Keon Yoon at si Edgar Enriquez na tumatayong security escort.
Naganap ang pangyayari bandang alas-10 ng umaga habang magkakasama ang mga biktima na mamimili ng nickel babbit sa nabanggit na lugar.
Sinabi ni Kyamko na ang lalawigan ng Saranggani ay kilalang bulwarte ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front na may kaugnayan sa Pentagon at ilang bandidong Abu Sayyaf Group.
Samantala, hindi rin inaalis ng militar na ang Pentagon kidnap-for ransom group at kaalyadong Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasa likod ng pagdukot sa mga biktima.
Kaagad namang humingi ng tulong si P/Supt. Abubakar Mangalen, Sultan Kudarat police director kay Palimbang Mayor Labualas "Samroud" Mamansual, isang dating kumander ng Moro National Liberation Front upang mapalaya ang mga biktima.
Kasunod nito, laya na ang kinidnap na doktorang si Rosemarie Agustin na namataan ng tropa ng militar na naglalakad sa bulubunduking hangganan ng Kabuntalan at Datu Piang, Maguindanao bandang alas-3 ng madaling-araw.
Si Dra. Agustin na may-ari ng Cotabato Medical Specialist Hospital at ilang gasolinahan sa Mindsayap, Cotabato ay kinidnap ng grupo ng Pentagon noong Enero 15 sa Brgy. Tambunan, Talayan, Maguindanao habang sakay ng kanyang kotse patungong Rosary Heights District sa Cotabato City.
Kasalukuyang bineberipika pa ng militar kung nagbayad ng ransom ang pamilya ni Dra. Agustin kapalit ng pagpapalaya rito. (Ulat nina Joy Cantos at Boyet Jubelag)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended