^

Probinsiya

Koreano tiklo sa illegal recruitment

-
IMUS, Cavite – Isang Koreano na pinaniniwalaang illegal recruiter ang dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang magsagawa ng entrapment sa inuupahang apartment sa Barangay Panamitan, Kawit, Cavite kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni NBI Director Reynaldo Wycoco ang suspek na si Kim Hee Jun, 34, may asawa at residente ng 294 Brgy. Panamitan ng nabanggit na lugar.

Isinagawa ang entrapment bandang alas-4:30 ng hapon makaraang magreklamo ang may 100 katao na ni-recruit ng suspek at nagbigay ng halagang P50,000 bawat isa.

Ayon sa salaysay ni Ariel Dela Cruz, isa sa 100 nabiktima na pinangakuan sila ng trabaho ng suspek sa Korea kapalit ng naturang halaga.

Kasalukuyang nangangalap na ng matibay na ebidensya ang mga awtoridad sa isasampang 100 counts ng kasong estafa. (Ulat ni Cristina Go-Timbang )

ARIEL DELA CRUZ

AYON

BARANGAY PANAMITAN

BRGY

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

ISANG KOREANO

ISINAGAWA

KIM HEE JUN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with