Vice-mayor ng Caloocan sugatan sa car accident
February 4, 2002 | 12:00am
LOPEZ, Quezon Himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan si dating PBA player na kasalukuyang Caloocan Vice-Mayor Luis "Tito" Varela makaraang bumaligtad ng ilang beses ang minamanehong kotse dahil sa pagsabog ng unahang gulong sa kahabaan ng Buenavista road na sakop ng Brgy. Villa sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Si Varela, dating manlalaro ng Crispa team bago naging PBA referee ay nagmamaneho ng kanyang Nissan Patrol (UTM-353) sa kahabaan ng nabanggit na lugar nang biglang sumabog ang gulong dakong alas-2 ng hapon.
May ilang ulit na bumaligtad ang minamanehong kotse ni Varela ngunit nagtamo lamang ng ilang sugat at galos sa katawan at ligtas sa tiyak na kamatayan dahil na rin sa mabilis na responde ng mga miyembro ng Lopez PNP. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest