^

Probinsiya

Hapones sinunog ang sarili matapos iwanan ng asawa

-
LABRADOR, Pangasinan – Dahil sa sobrang pagmamahal ng isang Japanese national sa asawang Pinay na pinaniniwalaang humiwalay ay nagawang magpakamatay sa pamamagitan ng pagsunog ng kanilang bahay kasama ang sarili kamakalawa ng umaga sa Brgy. Tobuan ng bayang ito.

Kinilala ni SPO1 Charmelito Orjalo ang biktima na si Keiichi Chiva, 50, negosyante ng nabanggit na barangay.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, si Chiva ay naging desperado makaraang iwanan ng asawang Pinay na si Erla Faviania na pinaniniwalaang nagtungo sa Japan para sa itatayong negosyo.

Subalit may ilang buwan na ang nakalilipas ay walang anumang sulat na ipinadadala o kaya naman ay tawag sa kanyang cellphone ang asawa ng biktima.

Sinabayan pa umano ng problemang pampamilya mula sa pamilya ng asawa ng biktima kaya nagkasunud-sunod ang pagkairita nito at nagpasyang magkulong sa kuwarto ng kanilang bahay na nasusunog na nagkakahalaga ng P1.5 milyon ari-arian ang tinupok ng apoy.(Ulat ni Eva De Leon)

vuukle comment

BRGY

CHARMELITO ORJALO

CHIVA

DAHIL

ERLA FAVIANIA

EVA DE LEON

KEIICHI CHIVA

KINILALA

LUMALABAS

PINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with