^

Probinsiya

Doktor pinalaya matapos makapagbayad ng ransom

-
SAN JOSE, Batangas – Pinalaya na kahapon ng madaling-araw ang kinidnap, na heart surgeon at presidente ang Busilac Feedmills, Inc. makaraang magbayad ng malaking halaga ng ransom, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa isinumiteng ulat ni P/Chief Insp. Ruel Esparas, hepe ng pulisya ng San Jose kay Batangas PNP Director Rolando Lorenzo, ligtas na ang kinidnap na si Dr. Arturo Boa makaraang isakay ng mga kidnapper ang biktima sa isang bus na may piring ang mga mata patungong Sto. Tomas, Batangas.

"Hindi ko malaman kung saan ako nanggaling, kasi madilim pa nang isakay nila ako sa bus kaninang madaling-araw", ani Dr. Boa.

Pansamantala naman nakisilong si Dr. Boa sa St. Cabrini Hospital habang hinihintay ang asawang si Aida.

Ayon sa ulat, nagbayad ng malaking halaga ng ransom money ang pamilya ni Dr. Boa sa mga kidnapper ngunit nagpasyang ilihim sa media sa takot na maulit muli ang pangyayari.

Napag-alaman pa na nagbayad ng dalawang beses ang pamilya Boa makaraang humingi ang mga kidnapper ng karagdagang ransom matapos matanggap ang unang ibinayad.

Ayon sa source, nagkaroon ng pay-off noong Enero 25 sa Susana Heights Toll Exit sa Muntinlupa City ngunit hindi rin pinalaya si Dr. Boa at nasundan naman ng ikalawang pay-off kaya tuluyang pinalaya na ang biktima.

Magugunitang dinukot si Dr. Boa kasama ang asawa noong Enero 18 sa Sitio Putol, Brgy. Taysan ngunit unang pinalaya ang asawa upang makapaghanda ng ransom money. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

AYON

BATANGAS

BOA

BUSILAC FEEDMILLS

CHIEF INSP

DIRECTOR ROLANDO LORENZO

DR. ARTURO BOA

DR. BOA

ENERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with