500 lalahok sa RYLA Training Seminar sa Baguio City

BAGUIO CITY – Umaabot sa 500 miyembro ng Rotaract Club 2002 mula sa iba’t ibang lalawigan ang makikilahok sa tatlong araw na Rotary Youth Leadership Awards (RYLA) Training Seminar na gaganapin sa Teacher’s Camp, Baquio City sa Pebrero 1-3, 2002.

Sinabi ni Alfred Laygo, pangulo ng Rotary Club ng Baguio na ang naturang seminar ay may layuning "Humanity is our Business, the Youth is our Resources."

Pangungunahan ni Rotary District 3790 Governor Mark Go ang nabanggit na seminar at lalahukan ng 31 kinatawan ng Rotaract Club mula sa Ilocos Norte/Sur, Abra, La Union, Benguet, Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan at Baguio City.

Magkakaroon ng registration fee na halagang P1,000 para sa pagkain at lodging sa buong panahon ng seminar at sa iba pang impormasyong ibig malaman ay tumawag sa tel. no. 074-444-7605/2453 (RYLA chairman) at 074-444-3259 at 074-443-7442 (Rotary Club of Baguio). (Ulat ni Jeff Tombado)

Show comments