3 bihag ng Sayyaf ipinasa sa ibang grupo
January 23, 2002 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Makaraan ang ilang buwang pagtatago sa mga tumutugis na tropa ng militar ay nagkasakit na si ASG Spokesman Abu Sabaya at ipinasa sa ibang grupo ng terorista ang mag-asawang Martin at Gracia Burnham at nurse na si Deborah Yap sa kagubatan ng Basilan.
Ito ang nakalap na impormasyon ni Armed Forces Southern Command Chief Lt. Gen. Roy Cimatu subalit hindi naman nagbigay ng kumpirmasyon.
Ayon sa Intelligence report, ang tatlong bihag ay hawak na ng isa pang grupo ng Sayyaf sa ilalim ni Commander Isnilon Hapilon na ngayon ay nasa bayan ng Maluso, Sampinit Complex.
Hindi ibinunyag ni Cimatu ang posisyon ng mga sundalo na tumutugis sa grupo ni Hapilon upang hindi maantala ang isinasagawang rescue operations.
Walang ibinigay na ulat sa kalagayan ng mag-asawang Kano maliban sa ginagamot ni Deborah Yap, nurse na kasamang binihag mula sa Jose Torres Memorial Hospital sa Lamitan, Basilan.
Gayunman, siniguro ni Cimatu na ang pagdating ng mga sundalong Kano para sa training exercises ay hindi maapektuhan ang isinasagawang rescue operations sa mga bihag. (Ulat ni Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest