Doktor dinukot ng mga NPA?
January 19, 2002 | 12:00am
SAN JOSE, Batangas - Isang doktor kasama ang kanyang asawa ang dinukot ng mga armadong kalalakihan na hinihinalang mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) kamakalawa ng hapon sa Sitio Putol, Brgy. Taysan ng bayang ito.
Sa report na tinanggap ni Batangas Police Director, P/Supt. Rolando Lorenzo, kinilala ang mag-asawang biktima na sina Dr. Arturo Boa, 52, cardiovascular surgeon at pangulo ng Busilac Feedmills Corp. at ang asawang si Aida Atienza Boa, 50.
Ayon sa ulat, habang lulan ng Mitsubishi Lancer (DLE-567) ang mag-asawa at binabagtas ang kahabaan ng highway sa Brgy. Taysan pauwi sa kanilang tahanan buhat sa pagbisita sa kanilang farm ay hinarang ito ng isang kulay maroon na kotse na lulan ng tatlong armadong kalalakihan.
Sapilitang pinababa ng mga suspek ang mag-asawa at pinaupo sa likuran ng kanilang sasakyan at tumakas patungong Lipa City.
Nang makarating sa Brgy.San Sebastian ay pinababa ng mga suspek si Gng. Boa at sinabihang huwag mag-alala sa kanyang asawa dahil ibabalik din ito dahil sa gagamutin ang kanilang mga kasamahang sugatan at may sakit.
Nakiusap si Gng. Boa sa mga suspek na pakawalan ang kanyang asawa at nag-alok ito ng malaking pera para palayain ito, subalit tumanggi ang mga suspek.
Kahapon dakong alas-2:30 ng hapon ay nakita ang sasakyan ng biktima na inabandona sa isang barangay sa San Jose.
Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya kung ano ang motibo sa pagdukot at kung mga NPA ang may kagagawan. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest