Ama pinatay ng anak dahil sa pera
January 18, 2002 | 12:00am
CABANGAN, Zambales Dahil lamang sa walang maibigay na pera ay nagawang patayin sa hampas ng matigas na kawayan ang ama ng sariling anak na lalaki at ikinasugat naman ng ina nito sa kanilang bakuran sa Brgy. Tondo ng bayang ito kamakalawa ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang napatay na biktima na asi Ricardo Pascua, 82, habang ang asawa namang si Paula Pascua, 81 ay kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan dahil sa palo ng matigas na kawayan sa ulo at sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Samantala, ang suspek na kaagad naman sumuko sa pulisya ay nakilalang si Ariel Pascua, 35 na pinalalagay na nawalan ng bait sa sarili kaya nagawa ang krimen.
Sa isinumiteng ulat ni P/Insp. Quintin Mascareña kay Zambales Provincial Director P/Supt. Jaime Calungsod, naganap ang krimen bandang alas-11 ng umaga sa loob ng bakuran ng pamilya Pascua sa Brgy. Tondo ng naturang lugar.
Dumating ang suspek mula sa hindi binanggit na lugar at kaagad na nanghihiram ng pera sa kanyang magulang ngunit tumangging magbigay ang mga ito dahil sa walang pera.
Sa impormasyong nakalap ng pulisya, nairita ang suspek sa ginawang pagpapaliwanag ng ama kaya mabilis na kumuha ng matigas na kawayan saka nagsimulang hatawin ang kanyang mga magulang na ikinasawi naman ng ama. (Ulat ni Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest