Coed hinoldap na, ni-rape pa ng 2 trike driver
January 13, 2002 | 12:00am
LUCENA CITY Dobleng kamalasan ang inabot ng isang Tsinay na college student matapos na pagsamantalahan at agawan pa ng cellphone ng dalawang tricycle driver na nangholdap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Isabang sa lungsod na ito.
Sa ulat na tinanggap ni Supt. Danny Ramon Siongco, chief of police, ang biktima ay itinago sa pangalang Mirla Khan, 3rd year College sa Enverga University at residente ng Zaballero subdivision, Brgy. Gulang-gulang. Kasalukuyan namang tinutugis ng mga awtoridad ang dalawang suspect na pansamantalang hindi ibinigay ang mga pangalan.
Base sa salaysay ng biktima sa Lucena Womens Desk Section, dakong alas-11 ng gabi ay naghihintay siya ng masasakyang tricycle sa panulukan ng Enverga at Quezon City Avenue St. isang tricycle umano ang tumigil sa harapan ng biktima at nagpahatid na ito patungo sa kanilang bahay ngunit sa halip na ihatid sa tinukoy na lugar ay dinala siya sa Brgy. Isabang at doon ay kinuha ang kanyang wallet at cellphone saka isinagawa ang maitim na balak.
Habang tulalang naglalakad sa tabi ng highway ang biktima ay nakita naman ng mga security guard ng Sta. Isabel at sinamahan ang biktima sa himpilan ng pulisya. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest