^

Probinsiya

Utak sa twin kidnap slay case, 1 pa nasakote

-
Nalutas na ng mga awtoridad ang brutal na pagpaslang sa dinukot na dentista at mayamang negosyanteng Filipino-Chinese matapos maaresto ang itinuturong utak sa krimen at isa pa nitong miyembro na sindikato ng kidnap-for-ransom (KFR) gang sa isinagawang serye ng operasyon sa Bulacan.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Leandro Mendoza ang mga nadakip na suspek na sina Elmer Villacorte, 27, lider ng grupo at tauhan nitong si Orland Garcia, 32, security guard, pawang residente ng Bocaue, Bulacan.

Ang mga suspek ay nasakote ng magkakasanib na elemento ng Bulacan Provincial Police Office (BPPO), Office of Business Concern-Criminal Investigation and Detection Group (OBC-CIDG) ng Police Regional Office (PRO) 3 sa ilalim ng superbisyon ni P/Supt. Edgardo Acuña sa isinagawang operasyon mula Enero 9 hanggang kamakalawa.

Sina Villacorte at Garcia ay itinuturong responsable sa kidnap-for-ransom sa mga biktimang sina Roy Tan San Pedro, 31, negosyante at sa dentistang si Dr. Elmer Avenida, 38; pawang residente ng Sta. Maria, Bulacan.

Ang mga biktima na kinidnap noong gabi ng Disyembre 15 sa Quezon City at pinatay matapos na hindi makapagbayad ng ransom at itinapon sa isang bakanteng lote sa Malibong Matanda, Pandi, Bulacan. (Ulat ni Joy Cantos)

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

CHIEF P

DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

DR. ELMER AVENIDA

EDGARDO ACU

ELMER VILLACORTE

JOY CANTOS

MALIBONG MATANDA

OFFICE OF BUSINESS CONCERN-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with