^

Probinsiya

Abogado patay sa ambus

-
Isang pribadong abogado na pinaniniwalaang may mga hawak na kontrobersyal na kaso ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa harap ng tanggapan ng Regional Commission on Audit sa ORG compound, Cotabato City kamakalawa.

Idineklarang patay sa Notre Dame Hospital ang biktimang si Atty. Kamid Delna Abdul na tinambangan bandang alas-3:05 ng hapon sa nabanggit na lugar.

Base sa ulat mula sa Camp Crame, kasalukuyang sakay ang biktima ng kotseng mini-cruiser na minamaneho ni Muhidin Lauban nang harangin ng mga killer.

Pinabuksan pa ng mga killer ang bintanang salamin ng kotse saka sunud-sunod na pinaputukan ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan ngunit hindi naman ginalaw ang driber.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, bago naganap ang pamamaslang ay nakatatanggap na ng mga pagbabanta sa kanyang buhay ang biktima dahil sa mga hinahawakang kontrobersyal na kaso na hindi ibinunyag ng mga awtoridad. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

CAMP CRAME

COTABATO CITY

IDINEKLARANG

JOY CANTOS

KAMID DELNA ABDUL

MUHIDIN LAUBAN

NOTRE DAME HOSPITAL

REGIONAL COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with