Mag-utol natusta sa sunog
January 11, 2002 | 12:00am
RODRIGUEZ, Rizal Tinangkang protektahan pa ng isang 3-anyos na kuya ang kanyang nakababatang kapatid na sanggol nang matagpuang magkayapos pa ang mga katawan sa loob ng kanilang nasunog na bahay-kubo, kamakalawa ng umaga sa bayang ito.
Nakilala ang mga batang nasawi na sina Michael Gongon 3 at Olgan, 1-anyos, kapwa residente ng Sitio Lukutang Malaki, Brgy. San Isidro, ng bayang ito.
Sa ulat ni PO1 Alejandro Perez, nabatid na naganap ang sunog dakong alas-11:30 ng umaga. Umalis umano ang ina ng mga biktima na nakilalang si Aileen Gongon upang maglaba sa isang sapa sa naturang lugar.
Iniwan naman nitong natutulog ang dalawang anak sa loob ng kanilang bahay.
Ayon sa mga residente, nakarinig umano sila ng isang putok mula sa bahay ng mga biktima bago sumiklab ang apoy. Dahil sa gawa lamang sa kahoy at kawayan, mabilis na nilamon ng apoy ang naturang bahay.
Hindi na rin nakaresponde ang mga bumbero ng bayang ito dahil sa nasa itaas ng bundok ang naturang bahay at hindi na kayang puntahan ng trak ng tubig.
Ayon kay Perez, natagpuan ang mga bangkay ng mga bata na magkayapos pa na parang tinangkang protektahan ni Michael ang kanyang sanggol na kapatid sa apoy.
Nagsasagawa naman ng mas malalim na imbestigasyon upang mabatid kung sinadya ang sunog dahil sa may kahidwaan umano sa ilang kapitbahay ang ama ng mga bata na nasa trabaho nang maganap ang insidente. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended