Kabilang sa mga nasagip ay sina Douglas Molina, kapitan ng barko; Geronimo Ferranco, Chief Mate; Fortunato Manegro, Chief Engineer; isang radio operator at 12 iba pa na di natukoy ang mga pangalan.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, bandang alas-4 ng madaling araw nang unti-unting lumubog ang barko na pag-aari ng Majestic Shipping Corporation.
Ang naturang barko ay naglalaman ng may 1,500 toneladang sangkap sa paggawa ng semento.
Ayon sa imbestigasyon, may 600 metro mula sa dalampasigan ng Brgy. Balibadon sa bayan ng Cortez nang maganap ang paglubog ng nasabing cargo vessel.
Ang lumubog na barko ay nagmula sa Isabel, Leyte patungo sa Davao nang mapansin ng mga tripulante na may butas ang barko.
Nagpasyang mag-emergency landing sa pinakamalapit na baybayin ang barko ngunit hindi na nito nagawang makalapit pa sa dalampasigan. (Ulat ni Joy Cantos)