Pag-upo ng bagong ARMM Governor tuloy na
January 6, 2002 | 12:00am
Tiniyak kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na wala nang balakid sa pag-upo ni Dr. Parouk Hussin bilang bagong halal na gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Ayon sa Pangulo, pinawalang bisa na ng Court of Appeals ang naunang ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Regional Trial Court na pumigil sa pag-upo ni Hussin sa ARMM.
Buo na ang tiwala ng Pangulo na magiging mahusay ang pamumuno ni Hussin sa ARMM upang maisulong ang kapakanan ng mga taga-Mindanao.
Sinabi ng Pangulo na respetado ng international community si Hussin bilang lider ng Muslim at kuwalipikado itong mamuno sa ARMM.
Kahapon ay pinangunahan na rin ng Pangulo ang pormal na pag-upo kay Hussin bilang gobernador ng ARMM kung saan ang seremonyas ay dinaluhan din ng 17 ambassadors na kinatawan ng mga bansang kasapi ng Organization of Islamic Conference (OIC). (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest