Ayon sa isang MNLF Commander na nakiusap na huwag ibunyag ang kanyang pangalan na nakabase sa MNLF Camp Nur Misuari ng Selatan Kutawato Revolutionary Command, Palimbag, Sultan Kudarat na itinuturing nilang isang "Haram" (Isang malaking kasalanan na walang kapatawaran) ang ginawang pagtraydor ni Hussin at ng 15 man executive council di lang kay Misuari kundi sa mismong organisasyon umano ng MNLF.
Sinabi nito kung kumagat lamang umano si Hussin sa kanilang bitag noong nakaraang buwan sa umanoy pagpahayag ng pagsuko ng grupo ni Julhambrie Misuari, pamangkin ni Nur na namuno sa Zamboanga siege ay maaaring napatay na nila si Hussin ng mga oras na iyon. (Ulat ni Rose Tamayo)