Idineklarang patay sa Hernandez Memorial Hospital si Elmer Quibral, 36, may asawa ng Purok 5 ng nabanggit na barangay.
Sa ulat na isinumite kay P/Chief Insp., Virgilio Dumaplas, hepe ng pulisya sa bayang ito, ang biktima kasama ang asawang si Gina at iba pang kaibigan ay magkakasamang nag-iinuman at hinihintay ang pagsapit ng Bagong Taon dakong alas-10:30 ng gabi subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang itinutok ng biktima ang hawak na baril sa dibdib na naging sanhi upang pumutok ito. (Ulat ni Francis Elevado)