Sikyu tinodas sa palengke

DASMARIÑAS, Cavite -Naaktuhang nagnanakaw sa loob ng palengke ang isang guwardiya kaya nagawang barilin at mapatay ng isang lalaki kahapon ng madaling-araw sa Barangay Luzviminda 1 ng bayang ito.

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang biktimang si Gabriel Tusing, 47, may asawa, isang CIV security guard sa mini public market at residente ng Block 18 Lot 7 ng nasabing lugar.

Samantala, ang suspek na ngayo’y nakakulong ay nakilalang si John Parohinog, 24, binata at residente ng Block F-1 Lot 7, Barangay San Nicolas 2 ng naturang lugar.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Wency Tubay, naganap ang krimen dakong alas-12:15 ng madaling-araw makaraang maaktuhang nandurugas ng mga grocery items ang biktima sa saradong tindahan ni Eileen Dionisio. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments