^

Probinsiya

Bigas sa Agusan del Sur kontaminado ng mercury?

-
May posibilidad na kontaminado na ng mercury ang mga bigas mula sa Agusan del Sur na dinadala sa Kalakhang Maynila.

Ito ang naging babala ni Rep. Leovigildo Banaag base sa ulat ng United Nations Industrial Development Organization (UNIDO) na ang palay na itinanim sa lupang kontaminado ng mercury ay nagiging depositories ng toxins o lason.

Ayon sa ulat ng UNIDO, 10 metric tons ang mercury ang napupunta sa Agusan River patungong Butuan City, Agusan del Sur sanhi ng pagmimina ng ginto sa nasabing lugar.

Ang Agusan River ang pinagkukunan ng tubig hindi lamang ng Agusan del Sur kundi maging ng Butuan City, Agusan del Norte at iba pang parte ng Bukidnon at Surigao.

Idiniin ni Banaag na dapat suriin kaagad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nasabing isyu dahil umaabot sa 10,000 metric tons ng bigas mula sa Agusan del Sur ang dinadala sa Kalakhang Maynila.

Hindi lamang ang Agusan del Sur ang may problema sa mercury kundi ang buong Eastern Mindanao ay may malawak na minahan ng ginto. (Ulat ni Malou R. Escudero)

AGUSAN

AGUSAN RIVER

ANG AGUSAN RIVER

BUTUAN CITY

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

EASTERN MINDANAO

KALAKHANG MAYNILA

LEOVIGILDO BANAAG

MALOU R

UNITED NATIONS INDUSTRIAL DEVELOPMENT ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with