2 pulis patay sa aksidente

KAMPO SIMEON OLA – Dalawang tauhan ng pulisya ang kumpirmadong nasawi matapos malunod sa ilog ang isa samantalang aksidente naman nabaril ang sarili ng ikalawa sa Brgy. Simamai, Virac, Catanduanes at Labo, Camarines Norte kamakalawa.

Si PO1 Mario T. Bergancia II, 24, binata ng Virac PNP ay nalunod sa ilog ng Brgy. Simamia dakong alas-4:30 ng hapon. Samantala, si SPO4 Severino Manongsong, 50, may asawa ng Labo PNP ay tinamaan ng bala sa ulo habang nililinis ang kanyang baril dakong alas-6:45 ng gabi sa labas ng kanilang bahay, ayon sa inisyal na ulat ng pulisya. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments