4 kidnappers nasakote
December 20, 2001 | 12:00am
Apat na kilalang kasapi ng isang big time kidnap-for-ransom (KFR) sa Central Mindanao ang nasakote ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Sultan Kudarat kahapon ng umaga.
Batay sa ulat na nakarating mula sa Camp Crame, nakilala ang mga naarestong suspek na sina Cesar Romano, Jerry Romano, Rommel Romano at Pascual Cesar.
Kinumpirma naman ni Police Regional Office 12 Chief Sr. Supt. Bartolome Baluyot na ang apat na nasakoteng kidnappers ay pawang aktibong kasapi ng Borongod Group, isang KFR syndicate na aktibo sa Central Mindanao at Metro Manila.
Ang mga suspek ay nadakip ng Task Force Pentagon dakong alas-5:30 ng madaling araw makaraan ang ilang araw na masusing pagtitiktik sa Barangay Rebukan, Sultan Kudarat.
Nasamsam rin mula sa mga suspek ang isang Nissan Patrol Safari at isang KIA Pride na siyang ginagamit na get-away car tuwing magsasagawa ng operasyon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest