^

Probinsiya

317 pabrika sa Central Luzon nagsarado

-
SAN FERNANDO CITY, Pampanga – Tinatayang aabot sa 317 pabrika sa Central Luzon ang iniulat na nagsarado dahil sa kakulangan ng namimili at pagkalugi, ayon sa ulat mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Base sa ulat ng DOLE, 86 na pabrika na nagsara ay mula sa special economic zone. Samantala, ang 231 naman ay sa iba’t ibang lugar sa Central Luzon na nagresulta upang maapektuhan ang may 20, 892 trabahador.

Ayon pa sa ulat ng DOLE, aabot sa 5,930 obrero ang nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng kanilang pinapasukang pabrika; 5,702 naman ay permanenteng na-layoffs at ang 7,620 bilang ng trabahador ay pansamantalang na-layoffs.

Nangunguna sa pinakamaraming pabrika at kompanya na nagsara ay mula sa Clark Special Economic Zone (CSEZ), sumunod ang Subic Bay Freeport, samantala, ang ikatlo ay sa Bataan Export Zone sa Mariveles at Luisita Industrial Park sa Tarlac. (Ulat ni Ding Cervantes)

AYON

BATAAN EXPORT ZONE

CENTRAL LUZON

CLARK SPECIAL ECONOMIC ZONE

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DING CERVANTES

LUISITA INDUSTRIAL PARK

MARIVELES

NANGUNGUNA

SUBIC BAY FREEPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with