6,465 katao naapektuhan ng bagyong Quedan
December 8, 2001 | 12:00am
Umaabot na sa 6,465 katao ang naapektuhan ng bagyong Quedan sa Region V, VI, VII at VIII na patuloy pa ring nakakaranas ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Ito ang nabatid kahapon sa ipinalabas na ulat ng tanggapan ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) kung saan naitala na dalawa ang nasawi sa Naga, Cebu at isa naman ang nabagsakan ng puno ng niyog sa Matsug, Northern Leyte.
Iniulat rin ng NDCC na patuloy pa ring pinaghahanap ang isa pang katao na nawawala ng maanod ng rumaragasang tubig buhat sa umapaw na ilog sa Brgy. Kilikaw, Daraga, Albay.
Base sa ulat, pinakagrabeng naapektuhan ang lalawigan ng Negros Occidental na naitala na may 500 pamilya.
Limang siyudad naman sa Central Visayas partikular na ang Cebu City ang napinsala rin ng bagyo.
Samantalang may 122 pasahero naman mula sa bayan ng San Remegio, Cebu ang nai-stranded matapos salpukin ng malakas na alon at ihip ng hangin ang karagatan ng lungsod na ito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended