^

Probinsiya

24,500 katao apektado sa sagupaan ng militar at Pentagon

-
Umaabot na sa 4,597 pamilya o kabuuang 24,500 katao ang nagsilikas sa iba’t ibang evacuation centers sa bayan ng Pikit, North Cotabato sa takot na maipit sa sagupaan ng tropa ng militar at grupo ng Pentagon kidnap-for-ransom na patuloy na bumibihag sa negosyanteng si Martina Lee Martin.

Ang naturang mga evacuees ay kinakanlong sa mga evacuation center sa Pikit Municipal Plaza, Fort Pikit Mahad, Buisan warehouse, isang gusali ng National Food Authority (NFA) at ilang resettlement areas sa Brgy. Gli-gli, Batulawan, Kalawang at Poblacion sa bayan ng Pikit.

Sa ulat na natanggap kahapon ni National Disaster Coordinating Center (NDCC) Executive Officer, Ret. Major Gen. Melchor Rosales, naitala sa 12 barangay sa bayan ng Pikit ang apektado sa patuloy na bakbakan ng tropa ng militar at ng mga kidnappers ni Martin.

Matatandaang si Martin ay dinukot ng mga tauhan ng Pentagon group noong nakaraang Nobyembre 4 sa Libunga, Cotabato. Ang kidnap victim ay isang rice trader at dinukot ng mga armadong kalalakihan sa mismong rice mill nito.

Sa kaugnay na kaganapan, iniulat rin ng NDCC ang naganap na pananalanta ng flashflood bunga ng walang humpay na pag-ulan na nakaapekto sa 23 barangays sa mga bayan ng Victorias, Cawayan, Sagay, Manapia at maging sa Cadiz City sa Negros Occidental kamakalawa. (Ulat ni Joy Cantos)

CADIZ CITY

EXECUTIVE OFFICER

FORT PIKIT MAHAD

JOY CANTOS

MAJOR GEN

MARTINA LEE MARTIN

MELCHOR ROSALES

NATIONAL DISASTER COORDINATING CENTER

NATIONAL FOOD AUTHORITY

PIKIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with