^

Probinsiya

4 killers ng trader nasakote

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Apat sa sampung kalalakihan na responsable sa pagpatay sa isang negosyante noong Nobyembre 7 sa Brgy. Palamas, Lemery, Batangas ang nasakote ng mga operatiba ng 4th Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa Tanauan, Bauan at Mabini, Batangas kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Maximo Malabanan, hepe ng regional office ng CIDG-4 ang mga suspek na sina Edelito Beloso, alyas Ever, 41; Virgilio Francisco, alyas Joker, 34, na kapwa residente ng Brgy. Talaga, East Mabini, Batangas; Bernardo Atienza, alyas Badong, 41; at Petronio De Roxaz, alyas Pete, 46, ng Bauan, Batangas.

Ang mga suspek ay pawang miyembro ng tinaguriang "Guardian group" at kasapi sa kilabot na sindikato ng robbery/hold-up na may modus operandi sa Batangas at Laguna.

Sa masusing pagsisiyasat ng mga tauhan ni SPO4 Rosevelt Legaspi, inamin ng mga suspek na ang kanilang grupo ang pumatay sa negosyanteng si Celso Aquino at tumangay ng halagang P7 milyon.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang masakote sa isinagawang dragnet operation sa kanilang safehouse sa mga nabanggit na lugar na naganap bandang alas-10 ng umaga. (Ulat ni Ed Amoroso)

BATANGAS

BAUAN

BERNARDO ATIENZA

BRGY

CELSO AQUINO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

EAST MABINI

ED AMOROSO

EDELITO BELOSO

MAXIMO MALABANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with