Sa ipinalabas na desisyon ni Supreme Court Chief Justice Hilario Davide, Jr. pinalitan na lamang ng habambuhay ang hatol ng Naga City Regional Trial Court Branch 25 noong Nobyembre 6, 1997 na bitay sa akusadong si Alejandro de los Santos.
Base sa rekord ng korte, hinalay ng akusado ang biktima sa sariling bahay noong Oktubre 4, 1997 at naulit pa ito noong Disyembre 8, 1997.
Dahil sa umabot na sa edad na 70-anyos ang akusado ay nagdesisyon naman ang Korte Suprema na baliktarin sa habambuhay ang hatol. (Ulat ni Grace Amargo)