P 66M shabu nasakote, 3 Chinese nationals tiklo
November 16, 2001 | 12:00am
Tinatayang aabot sa 334 kilo ng shabu (metamphetamine hydrochloride) na nagkakahalaga ng may P668 milyon ang nakumpiska sa tatlong Chinese nationals na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato ng Hong Kong triad sa isinagawang operasyon sa kahabaan ng national highway sa may Maculcol Bridge, Brgy. Alusiis, San Narciso, Zambales kahapon ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na suspek na sina Cai Hong Chua Ze, alyas Edwin Hong Chua; William Chua at Henry Tamayo Chua na pawang mula sa Mainland China at aktibong may operasyon sa bansa.
Sa pahayag ni PNP-Nargroups Chief P/Director Efren Fernandez, nasabat ang tatlong suspek dakong alas-6:30 ng umaga habang nakasakay sa dalawang kotseng Toyota Revo sports utility na may plakang WRP-358 at PRP-356 sa itinayong checkpoint sa nabanggit na lugar.
Dalawa pang kotse na kinabibilangan ng Toyota Revo at four-runner Honda na may lulan din dalawang Chinese nationals ang mabilis na nakatakas sa isinagawang dragnet operation nang pinagsanib na puwersa ng mga ahente ng Narcotic Groups, Zambales, Pangasinan PNP, National Bureau of Investigation (NBI), Phil. Coast Guard at Phil. Navy.
May palagay ang mga awtoridad na ang mga nakatakas na suspek ay nagtuloy sa direksyon ng Villa Lorenzo, Botolan, Zambales.
Sinabi naman ni Zambales Gov. Vicente Magsaysay na ang mga nakumpiskang kilu-kilong shabu mula sa mga Chinese national ay may street value na halagang aabot sa P1.2 bilyon na ang bawat kilo ay aabot sa P2 milyon.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, ang nasabat na droga ay ibinagsak sa karagatang sakop ng Masinloc, North of Zambales saka kinuha ng mga kasabwat na mangingisda.
May teorya ang mga awtoridad na may mga kasabwat pang ibang may katungkulan sa lokal na pamahalaan at opisyal ng kapulisan ang mga nadakip na suspek kaya malakas ang loob na magpasok ng epektos sa bansa. (Ulat nina Erickson Lovino,Jeff Tombado at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest