^

Probinsiya

ARMM eleksiyon pinasususpinde dahil sa Ramadan

-
Hiniling kahapon ng ilang koalisyon at samahan ng mga muslim sa pamahalaang Arroyo na suspendihin pansamantala ang nakatakdang halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa darating na Nobyembre 26 dahil maaapektuhan ang pagsisimula ng pagdiriwang ng Ramadan ngayong araw na ito.

Sa isang pulong balitaan sa lungsod Quezon, sinabi ng kampo ni Atty. Macapanton Abbas na sila ay nagsumite ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) at hinihiling ang pagsuspinde ng eleksiyon.

Ayon kay Abbas, ang nasabing petsa ng eleksiyon ay ilegal batay sa ilalim ng naratipikang New Organic Law noong nakalipas na Agosto 14 na hindi dapat maapektuhan ang pagdiriwang ng Ramadan na magsisimula ngayong araw na ito at matatapos sa Disyembre 10.

Kung itutuloy ang eleksiyon magiging limitado ang galaw ng mga muslim na ang karamihan ay hindi makakaboto dahil ayaw nilang masira ang kanilang tradisyon na mag-ayuno kapag Ramadan. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

AGOSTO

AUTONOMOUS REGION

AYON

COMELEC

DISYEMBRE

HINILING

JHAY MEJIAS

MACAPANTON ABBAS

MUSLIM MINDANAO

NEW ORGANIC LAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with