6x6 truck ng pulis nahulog sa bangin
November 9, 2001 | 12:00am
Labintatlo katao ang iniulat na malubhang nasugatan kabilang ang apat na kagawad ng pulisya makaraang mahulog sa bangin ang 6x6 truck ng 10th Police Regional Mobile Group (PRMG) habang bumabagtas sa kahabaan ng provincial road sa hangganan ng Brgy. Lonokan-Kitam-is bayan ng Manolo Fortich.
Ang apat na nasa kritikal na kalagayan na hindi pa nakukuha ang mga pangalan ay pawang miyembro ng 10th PRMG na naatasang magsagawa ng operasyon hinggil sa umanoy plantasyon ng marijuana sa isang bulubunduking lugar sa nasabing bayan.
Gayundin naman ang mga pangalan ng siyam pang nasugatan na lulan rin ng naturang 6x6 truck.
Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-11 ng umaga ng tinatahak ng 6x6 truck ang matarik na bahagi ng kalsada ng Brgy. Lonokan patungo sa Brgy. Kitam-is upang salakayin ang tagong plantasyon ng marijuana dito ng aksidenteng mahulog sa bangin ang sasakyan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended