Trader patay sa holdap, P 7-M tinangay
November 7, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Isang mayamang negosyante ang iniulat na napatay at pinagnakawan pa ng halagang P7 milyon makaraang makipagbarilan sa apat na holdaper ang biktima sa harapan ng kanyang bahay sa Brgy. Palamas, Lemery, Batangas kamakalawa ng hapon.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Polymedic Hospital sa Taal, Batangas ang biktimang si Celso Aquino, alyas Tito, 58, ng nabanggit na barangay.
Mabilis namang tumakas ang mga holdaper sakay ng kotseng Lancer na may plakang THE-651 sa hindi nabatid na direksyon.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na nag-withdraw ng malaking halaga sa Phil. National Bank ang biktima upang ipasuweldo sa kanyang mga trabahador.
Bandang alas-5 ng hapon nang bumaba ng sasakyan ang biktima sa harapan ng sariling bahay subalit sinalubong ito ng mga holdaper kaya napilitang magbunot ng baril at nakipagbarilan.
May teorya ang pulisya na namataan ang biktima ng mga holdaper kaya sinundan hanggang sa kanilang bahay at doon isinagawa ang krimen. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest