7 katao timbog sa pagpupuslit ng troso
November 5, 2001 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Pitong kalalakihan ang iniulat na dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Bulacan PNP command at 56th Infantry Battalion ng Phil. Army makaraang maaktuhang nagpupuslit ng ipinagbabawal na kahoy na nakalulan sa dalawang jeepney sa Sitio Bitbit, Brgy. San Lorenzo kahapon ng madaling araw.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jason Villa, 21; Jomar Villa. 19; Jason Ocampo, 19; Renato Cruz, 27; Orlando Lazaro, 20; Clarito Rubio, 34 at Israel Punzal, 18 na pawang mga residente ng nabanggit na barangay.
Sa ulat na isinumite kay Bulacan PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Edgar Acuña, ang mga kontrabandong 60 pirasong tabla ay nakumpiska dakong alas-12:15 habang lulan ng dalawang jeep na may mga plakang CJA-937 at CVV-384.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek at inaalam ng pulisya ang pinaka-mastermind ng pagpupuslit ng naturang kontrabando. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest