Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arnel Cahinusayan, 19, ng Pugad Lawin ng nabanggit na barangay, samantala, ang suspek na kaagad namang nadakip ay kinilalang si Fernando Tampoc, Jr., 16 ng nabanggit na lugar.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO1 Emil Mendoza, may hawak ng kaso, naganap ang krimen dakong alas-7:45 ng gabi sa kahabaan ng naturang lugar.
Kasalukuyang nagbibiruan ang biktima at kaibigang si Lawrence Luga sa kahabaan ng Brgy. Garita at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nasiko nito ang suspek na naglalakad.
Sa impormasyong nakalap ng pulisya, binalewala ng suspek ang pangyayari subalit may ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ay bumalik ito na may dalang patalim at inundayan nang saksak ang biktima hanggang sa mapatay. (Ulat ni Mading Sarmiento)