^

Probinsiya

5 mangingisda na napatay ng militar bubusisiin

-
CABANATUAN CITY– Hiniling kahapon ng pamunuan ng United Methodist Church sa mga kinauukulan na masusing imbestigahan ang pagkakapatay sa limang mangingisda na napaulat na kasapi ng rebeldeng New People’s Army ng tropa ng militar sa naganap na engkuwentro noong Oktubre 8, 2001 sa Mt. Tupyador, Sitio Tuli, Carrangalan, Nueva Ecija.

Ito ang nabatid kay Bishop Solito Toquero ng UMC na nakabase sa Manila dahil sa tatlo sa limang mangingisda ay pawang mga miyembro ng UMC.

Kinilala ang mga biktima na sina Leo Gallardo, 18; Gertrude Curamen, 39; Jay-Ar Alvendia, 15; Marvin Cosep, 16; at Jose Martin, 42, ng Brgy. Conversion, Pantabangan, Nueva Ecija.

Ang kahilingan ni Toquero ay batay sa resulta ng awtopsiya nina Dr. Jerome Bailen at Dr. Regalado Aure na ang mga biktima ay may mga palatandaan na pinahirapan muna saka pinatay.

Magugunitang napaulat na naka-engkuwentro ng militar ang mga biktima sa nabanggit na lugar habang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga sundalo. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BISHOP SOLITO TOQUERO

CHRISTIAN RYAN STA

DR. JEROME BAILEN

DR. REGALADO AURE

GERTRUDE CURAMEN

JAY-AR ALVENDIA

JOSE MARTIN

LEO GALLARDO

MARVIN COSEP

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with