Kidnappers ng Italian priest humingi ng P 8.3 M ransom
October 26, 2001 | 12:00am
Itinaas na kahapon sa P8.3M ng grupo ng mga kidnappers ang kanilang ransom demand kapalit ng kalayaan ng kanilang bihag na si Italian priest Fr. Giuseppi Pierantoni na itinatago ng mga rebeldeng Muslim sa Central Mindanao.
Ito ang nabatid kahapon kay Task Force Giuseppi Commander, Brig. Gen. Angel Atutubo kaugnay na rin ng puspusang operasyon upang ligtas na mabawi si Fr. Giuseppi sa kamay ng kaniyang mga abductors.
Base sa ulat, nagbanta ang grupo ni Norman Amil alyas Commander Ramsey na may mangyayaring masama kay Fr. Pierantoni kapag di naibigay ang nasabing halaga kapalit ng kalayaan ng dayuhang pari.
"Ayon sa ating informants, ang grupo ni Commander Ramsey ay nagde-demand ng P8.3M para mapalaya si Fr. Pierantoni. But this is still a raw information, bine-verify pa natin," pahayag ni Atutubo sa isang cellphone interview na nagsabi pang ang nasabing informants ay mula sa bahagi ng lalawigan ng Lanao.
Nauna nang humingi ng P3M ransom ang mga kidnappers kapalit ng kalayaan ng dayuhang pari.
Sinabi ni Atutubo na ipinarating ni Commander Ramsey ang demand nito na unang pumutok sa mga opisyal ng PNP sa nasabing lugar.
"Maaaring pinalulutang lang ng grupo ni Commander Ramsey yung ransom demand kung kakagat," ani Atutubo kaugnay na rin ng ginawang pasahan sa nasabing bihag ng mga rebeldeng Muslim.
Sa kasalukuyan, ayon pa kay Atutubo, si Fr. Pierantoni ay pinaniniwalaang itinatago at ipinagpapalipat-lipat ng lugar ng mga abductors nito sa bahagi ng Malabang, Kalanugas at Bongo Island sa Lanao del Sur.
Ayon kay Atutubo, sa kasalukuyan ay wala pa rin silang natatanggap na mensahe mula sa MILF kung tutulong ang mga ito sa pagpapalaya kay Fr. Pierantoni.
Magugunita na si Fr. Pierantoni ay kinidnap ng grupo ni Commander Ramsey ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Lost Command habang nagmimisa sa Sacred Heart Chapel sa Dimataling, Zamboanga del Sur noong nakalipas na Oktubre 17 ng gabi. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest