^

Probinsiya

Kinidnap na Chinese engineer pinalaya na

-
Matapos ang 67 araw na pagkakabihag, pinalaya na ng Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) gang sa ilalim ng grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Lost Command ang nalalabing kinidnap na isang Chinese engineer sa isang lugar sa Pikit, Cotabato kamakalawa ng gabi.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Southcom Chief Lt. Gen. Roy Cimatu.

"The remaining kidnap victim Zhang Zhong Yi was freed through the efforts of Cotabato City Mayor Muslimin Sema and Libyan Ambassador Salem Adem," pahayag ni Cimatu sa isang phone interview.

Sinabi ni Cimatu na walang ibinayad na ransom sa pagpapalaya sa Chinese engineers matapos ang masusing pakikipagnegosasyon nina Adem at Sema sa grupo ni Commander Tahir Alonto, lider ng Pentagon group na siyang dumukot sa grupo ng mga Chinese engineers.

Bagaman, napalaya na si Yi, sinabi ni Cimatu na di ito nangangahulugan na ititigil na nila ang pagtugis laban sa grupo ni Commander Alonto dahil may dapat panagutan sa batas ang mga ito at ipinag-utos na ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagtugis.

Magugunita na unang dinukot ng Pentagon group si Zhang Zhong Quiang, isa ring engineer noong nakalipas na Hunyo 20 sa Matalam, Cotabato.

Kasalukuyan namang nagbabayad ng ransom sina Yi kasama ng iba pang Chinese engineers na sina Xue Xing, Zhang Zhong Yi at ang negosyanteng si Edward Lim na nagsilbing interpreter ng mga ito nang dukutin rin ng Pentagon group sa isang lugar sa Datu Paglas, Maguindanao. Sa nasabing insidente ay tinangay rin ng mga tusong kidnappers ang P5 M ransom, hindi na nga napalaya si Quiang habang nailigtas naman si Li. (Ulat nina Lilia Tolentino,Joy Cantos at Ely Saludar)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CIMATU

COMMANDER ALONTO

COMMANDER TAHIR ALONTO

COTABATO

COTABATO CITY MAYOR MUSLIMIN SEMA AND LIBYAN AMBASSADOR SALEM ADEM

DATU PAGLAS

EDWARD LIM

ELY SALUDAR

ZHANG ZHONG YI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with