^

Probinsiya

Sekyu tinodas ng mga magnanakaw habang natutulog

-
DAET, Camarines Norte – Halos naliligo sa sariling dugo ang isang security guard na natagpuang patay sa loob ng isang arcade matapos itong patayin ng mga magnanakaw kahapon ng madaling araw sa Vinzons Avenue ng nasabing bayan.

Wala ng buhay ang biktimang si Bobby de Luna, 34, security guard ng Dessert Storm Security Agency bandang alas-6:45 ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, maaaring pinasok ng mga suspek ang LSG Arcade sa pagitan ng alas-3 at alas-4 ng madaling araw.

Dumaan sa likurang bahagi ng LSG Arcade ang mga suspek at sa pamamagitan ng pagsira ng rehas na bintana sa ladies comfort room habang nasa kasagsagan ng lakas ng ulan.

Makaraang makapasok sa loob ang mga suspek ay hinampas ng isang matigas na bagay ang natutulog na biktima sa ulo na ikinamatay nito.

Apat na tindahan ang tinira ng mga suspek na tinatayang aabot sa halagang P500,000 ang nakulimbat. (Ulat ni Francis Elevado)

vuukle comment

APAT

CAMARINES NORTE

DESSERT STORM SECURITY AGENCY

DUMAAN

FRANCIS ELEVADO

MAKARAANG

ULAT

VINZONS AVENUE

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with