1 kaanak ni Mayor Mitra nasakote sa shabu
October 17, 2001 | 12:00am
CAMP NAKAR, Lucena City Isa pang suspek na kasama ni Panukulan, Quezon Mayor Ronnie Tena Mitra na nabigo sa pagpupuslit ng 503.68 kilo ng shabu noong Oktubre 13 ang naaresto sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad sa Infanta, Quezon, ayon sa ulat ng Quezon PNP provincial office dito kahapon.
Ang suspek ay nakilalang si Dominito Mitra y Calzado, 44, malapit na kamag-anak ni Panukulan Mayor Ronnie Mitra. Ito ang sinasabing namahala sa pagkontak sa mga motorized bancas na ginamit na panghakot sa may 15 sako ng shabu.
Inamin ng suspek na ang droga ay lulan ng Chinese seacraft na naka-docked sa karagatang sakop ng Panukulan, Quezon.
Ayon kay Dominito, dito nila hinakot ang mga droga lulan sa nasabing bancas at dinala sa Barangay Abyao sa Infanta, Quezon saka nag-abang ng tatlong tricycle na kinontrata naman ni Mayor Mitra.
Idinagdag pa nito na ang naghatid sa mga droga sa Barangay Libjo ay ang tatlong tricycle na doon nag-aabang si Mayor Mitra at mga kasamahan lulan ng Starex van at isang ambulansya. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest