^

Probinsiya

Estudyante napatay sa fraternity rambol

-
ANTIPOLO CITY – Isa na namang miyembro ng fraternity ang nagbuwis ng buhay dahil sa kanilang samahan matapos na halos mawasak ang dibdib sa tinamong tama ng bala ng sumpak sa isang rambol kamakalawa ng madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Frederick Almasan, 16, high school student ng Therese St., Purok 1 Zone 6, Brgy. Cupang ng lungsod na ito.

Samantala, ang mga suspek na ngayon ay nasa Antipolo detention cell ay nakilalang sina Jeffrey Estrellas, 16, ng Hermas Subdivision; Roger Belosillo, 19, ng Area Dela Paz, Peñafrancia at Neptali Carios, ng Sitio Taguire at dalawang hindi pa nakikilalang suspek na pawang residente ng Brgy. Cupang, Antipolo.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong ala-1:30 ng madaling araw sa may Crestview Subdivision, Brgy. Mayamot, ng lungsod na ito. Nabatid na nakatambay ang grupo ng mga suspek na tinatawag nilang Homeboys Fraternity nang dumating ang kalabang grupo na kinabibilangan ni Almasan.

Dito nagkaroon ng komprontasyon ang dalawang grupo hanggang sa magkaroon ng batuhan sa pagitan nila. Isa sa mga suspek ang may dalang sumpak ang bumaril sa biktima na duguang bumagsak matapos itong tamaan. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AREA DELA PAZ

BRGY

CRESTVIEW SUBDIVISION

CUPANG

DANILO GARCIA

FREDERICK ALMASAN

HERMAS SUBDIVISION

HOMEBOYS FRATERNITY

ISA

JEFFREY ESTRELLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with