Barangay captain pinatay habang naglalakad

TINAMBAC, Camarines Sur – Isang barangay captain ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng dalawang kabarangay habang naglalakad sa baybaying dagat sa Brgy. Dani ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Orlando Barrameda, 45, may asawa ng nabanggit na barangay.

Samantala, ang mga suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang sina Salvador Rodriguez, 38 at Raul Salcedo, 35, may asawa na kapwa residente ng naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, binaril at napatay ang biktima bandang alas-4 ng hapon sa hindi nabatid na dahilan.

May teorya ang pulisya na pulitika ang naging ugat ng krimen dahil sa may kumakalat na balita na muling tatakbong barangay captain ang biktima na may posibilidad na manalo sa darating na brgy. elections sa 2002. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments