Magsasaka niratrat ng mga rebelde
October 9, 2001 | 12:00am
MOBO, Masbate - Dahil sa patuloy na hindi pagbibigay ng revolutionary tax, isang 47-anyos na magsasaka ang binistay ng bala ng armas hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang nakaupo sa labas ng sariling bahay sa Brgy. Lalaguna ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Domingo Verano, may asawa ng nabanggit na lugar, samantala, ang mga rebelde na armado ng malalakas na kalibre ng baril at may edad lamang na 19 hanggang 20-anyos ay mabilis na tumakas sa hindi nabatid na direksyon.
Base sa inisyal na pagsisiyasat, malimit na tumanggi ang biktima sa hinihingi ng mga rebelde na revolutionary tax kaya bandang alas 7:15 ng gabi ay muling binisita ng grupo upang manghingi subalit muli na naman itong tumanggi kaya napilitang patayin na lamang ang magsasaka. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest