3 terorista ng Abu Sayyaf nalambat
October 4, 2001 | 12:00am
Tatlong pinaniniwalaang terror squad ng mga bandidong Abu Sayyaf na may planong magsagawa ng malawakang pambobomba sa Zamboanga City ang magkakasunod na nalambat ng mga operatiba ng militar sa isinagawang operasyon sa dalawang isla sa pagitan ng karagatan ng Basilan at Zamboanga.
Kinilala ni AFP-Southcom Chief, Lt. Gen. Roy Cimatu ang mga nadakip na ASG na sina Madja Hamjah, ang nakababata nitong kapatid na si Hamil na nasakote malapit sa isang isla sa pagitan ng karagatan ng Zamboanga at Basilan noong Lunes.
Ang isa pang naaresto ay si Hadjid Moro alyas Pakistan na naaresto naman ng mga operatiba ng militar dakong 6:30 ng umaga noong Martes sa Bilas island ng Basilan.
Sinabi ni Cimatu na ang mga Sayyaf ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Salvador Memoracion ng Basilan Municipal Trial Court (MTC).
Ayon kay Cimatu, ang mga suspek ay may patong sa ulong tig-1M bawat isa.
Ang pagkakadakip sa tatlo ay kasunod naman ng pagkakaaresto kamakailan sa apat na miyembro ng Abu Sayyaf na sina Jumadil Arad alyas Alhaber Ammad; Ibno Abdil Abbas alyas Abdulsali Ammad at Raul Ammad, pawang nasakote sa Basilan gayundin sa isa pang miyembro ng ASG na kinilala namang si Isnajul Tayong alyas Tadz Sayong na nadakip naman sa Jolo, Sulu.
Nasamsam sa pag-iingat ng mga suspek ang ilang mahahabang armas, libu-libong blasting caps at iba pang uri ng paraphernalia na gamit sa paggawa ng eksplosibo o bomba. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest