Pulis napatay sa pagpasok sa ibang bahay
October 2, 2001 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Dahil sa kalasingan sa alak ang naging ugat ng kamatayan ng isang opisyal ng pulisya makaraang mabaril ng kabaro dahil sa pagpasok sa hindi nito bahay sa Francisco Homes, Brgy. Sapang Palay, San Jose del Monte, Bulacan kamakalawa ng madaling araw.
Ang biktima na napagkalamang magnanakaw at nagtamo ng maraming tama ng baril ng armalite ay nakilalang si P/Insp. Anastacio Lopez, 47, may asawa ng nabanggit na lugar.
Inaalam pa ng pulisya kung saan nakatalagang himpilan ng PNP ang nasawing biktima.
Samantala, kusang sumuko naman sa mga awtoridad ang nakapatay na si SPO1 Placido Aquino, may asawa at nakatalaga sa isang police detachment sa nabanggit na lugar.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, napag-alaman na pumasok ang biktima sa hindi niya bahay sa Block 6 Lot 2, Phase M ng naturang lugar dakong ala-1 ng madaling araw.
Dahil sa kalasingan sa alak ay bigla na lamang itong humiga na ikinagulat naman ng mga nakatira sa nabanggit na bahay kaya humingi sila ng tulong sa mga nagrorondang brgy. tanod at kay Aquino.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na pinapayapa na ang biktimang opisyal ng pulisya ng may-ari ng pinasukang bahay nito subalit nagsisigaw ito at nagbunot ng baril kaya napilitang pagbabarilin ni Aquino. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest