^

Probinsiya

Mister nagbigti matapos patayin si misis

-
AMADEO, Cavite — Dahil sa matinding selos ay nagawang mapatay ang isang 25-anyos na misis ng kanyang mister bago ito nagbigti kahapon ng madaling araw sa kanilang bahay sa Brgy. Halang ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang misis na nagtamo ng dalawang saksak sa dibdib na si Ellen Llaba, samantalang ang mister na nag-suicide ay kinilalang si Carlo Llaba, 32, kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Sa isinumiteng ulat ni PO3 Zaldy Salazar kay P/Supt. Rodolfo Ambojia, naganap ang pangyayari bandang ala-1 ng hapon habang natutulog si Ellen sa sariling bahay.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya sa mga kapitbahay ay nakarinig umano sila ng sigaw ng babae na humihingi ng saklolo at ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay biglang tumigil ito.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, nang makita ni Carlo na napatay niya ang kanyang sariling asawa ay kaagad na naghanap ito ng nylon cord upang gamitin sa pagbibigti.

May palagay ang pulisya na minasama ni Carlo ang napapaulat na may malimit na kausap na lalaki ang kanyang misis na nagbunsod upang ito ay kanyang patayin. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

AYON

BRGY

CARLO LLABA

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

DAHIL

ELLEN LLABA

HALANG

RODOLFO AMBOJIA

ZALDY SALAZAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with