^

Probinsiya

1 patay, 17 sugatan sa vehicular accident

-
ATIMONAN, Quezon – Isang driver ang namatay habang 17 iba pa ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang pampasaherong bus sa nakasalubong na truck sa kahabaan ng Maharlika highway sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Supt. Eduardo Samoco, chief of police sa bayang ito ang biktima na si Oscar Froyalde 53, may-asawa at residente ng Camarines Sur.

Kasalukuyan namang ginagamot sa magkakahiwalay na ospital ang tatlong pahinante na minamaneho ng nasawing biktima na sina Rodolfo Samang, 46, Wilmar Valencia at Elizaldy Bayola ng Naga City.

Ang labing-apat na pasahero ng P and P passenger bus na pawang nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang nilalapatan ng lunas sa mga ospital sa bayang ito.

Sinasabi sa ulat na dakong alas-5 ng umaga ay tinatahak ng P and P bus liner na minamaneho ni Ruben Capistrano ang nasabing kalye patungong Metro Manila.

Nag-overtake umano ang bus sa isang sasakyan subalit hindi napuna ng driver nito ang kasalubong na truck kung kaya naganap ang head on collision. (Ulat ni Tony Sandoval)

CAMARINES SUR

EDUARDO SAMOCO

ELIZALDY BAYOLA

METRO MANILA

NAGA CITY

OSCAR FROYALDE

P AND P

RODOLFO SAMANG

RUBEN CAPISTRANO

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with